FORT SANTIAGO
![]() |
Sa aming paglalakbay para malaman ang kasaysayan ni pepe ay una naming pinuntahan ay ang Fort Santiago kung saan makikita ang mga yapak ni rizal at ang kanyang huling kulungan bago siya hatulan ng kamatayan.
PAMBANSANG MUSEO
Makikita sa larawang ito ang Pambansang Museo na kung saan makikita ang mga obra na ginawa ni Rizal at mga imahe ni Rizal. Umalis din kami agad sa lugar na ito sapagkat marami pa kaming hindi napupuntahan at malapit na lumubog ang araw.
DATING ATENEO DE MANILA
Ang larawang itong ay marker ng dating ateneo de manila makikita ito sa intramuros. Makikita din sa larawang ito ang isang "photobomber" na kung saan nakasira sa aking larawan.
MARKER NG CUARTEL DE SANTA LUCIA
Makikita sa larawan ang Marker De Santa Lucia na kung saan linitis si Rizal. Sa paghahanap ng marker na ito ay halos malibot na namin ang buong intramuros dahil sa hirap nitong hanapin.
DATING KINATATAYUAN NG UST
Makikita sa larawang ito ang gusali na kung saan nakatayo dati ang UST. Iyong mismong gusali na lamang ang aming kinuhaan ng litrato sapagkat hindi namin nahanap ang market na kinalalagyan nito.
DATING TAHANAN NI HIGINO FRANCISCO
Hindi na namin nakita ang mismong tahanan ni higino francisco, tanging marker na lamang ang nakalagay sa mismong kinatatayuan nang kanyang tahanan. Sa larawang ito sa marker na lamang kami kumuha ng litrato.
PACO CEMENTERY - PUNTOD NI RIZAL
Sa larawang ito makikita ang puntod ni Rizal sa Paco Cementery na kung saan makikita sa puntod ang nakasulat na RPJ na kabaligtaran ng pangalan ni Rizal.
LUNETA PARK
Ang huli naming pinuntahan ay ang Luneta park na kung saan makikita ang monumento ni Rizal. Pinili naming ihuli itong lugar na to sapagkat kasabay na rin ang pagpapahinga sa lugat na ito.
- Sa kabuuang ng aking paglalakbay ay maraming kung nalaman tungkol sa buhay ni Pepe. Dahil sa paglalakbay sa kasaysayan ni Pepe ay iba't ibang karanasan ang aking naranasan. Maraming lugar din akong nakita na makabuluhan sa aking buhay at sa mga bahagi ng kasaysayan ni pepe na aking natuklasan ay nakatulong ito sa akin upang makikilala pa ng higit si Rizal na siyang lumaban para sa ating kalayaan.























